Here's one of my own. Pinasa ko siya sa MP 10, pero ako lang ata ang naka-gets sa sarili kong gawa, LOL.

. Parang ang labo daw kasi. Anyway, eto siya:
Para sa Kanyang Tinatawag Daw ng Bayan
Diba si Che Guevara ang idolo mo?
At asar na asar ka sa mga tao
Na suot ang t-shirt na may mukha nito
At di alam ang kanyang sinisimbolo
Madalas ka pang nakasuot ng pula
Naging paboritong kulay mo na nga ba?
Binabasa mo mga gawa ni Joma
Kaya ika’y nabansagang komunista
Pag wala ka, yung prof, tinatanong ako
“Asa rally po,” naman ang sasagot ko
ul**, buti lang umabot sa tres grade mo
Sa kaka-okray mo sa ating gobyerno
Pero alam mo, hinahangaan kita
Kahit ayokong magtungong Mendiola
Basta pare, lagi kang mag-iingat ha?
At hindi lang bayan ang kailangan ka